September 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Suporta sa Tanging Ina ni Caloy: Ai Ai, bibili sa live selling ni Angelica

Suporta sa Tanging Ina ni Caloy: Ai Ai, bibili sa live selling ni Angelica
Photo courtesy: Ai Ai Delas Alas (FB)

Nagpakita ng suporta si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas para sa online selling ng ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo, matapos niyang sabihing aabangan niya ang live nito para bumili ng items na mga itinitinda ng ina.

Mababasa sa Facebook post ni Ai Ai, "Nakita ko sila may nag send saken sa messenger ... kelan kaya ulit live selling nila ?..bibili ako .. support ko live selling nila ."

TINGNAN: AiAi Delas Alas - Nakita ko sila may nag send saken sa messenger... | Facebook

Matatandaang kamakailan lamang ay napaulat ang pagsasagawa ng live selling ni Angelica kasama ang anak na si Karl Edriel Yulo.

Tsika at Intriga

Carlos at Chloe brand ambassadors na rin ng dental clinic, makakatapat ang madir

Nagtitinda ang mag-ina ng mga beauty products at "branded" shirts.

Bukod sa mga nabanggit na items, pangmalakasan din ang longganisa ni Mother Yulo na talaga namang sinuportahan ng team nanay.

MAKI-BALITA: Bukod sa YuLongganisa: Angelica, online seller na rin ng skincare products, shirts