October 11, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Solid PBBM pa rin kami!' Plethora naghimutok, nakalimutang isama sa Marcos free concert?

'Solid PBBM pa rin kami!' Plethora naghimutok, nakalimutang isama sa Marcos free concert?
Photo courtesy: Plethora (FB)/Sandro Marcos (FB)

Tila nagpahayag ng pagkadismaya ang bandang "Plethora" nang makalimutan daw sila at hindi isama sa line-up ng performers para sa pagdiriwang ng 107th birth anniversary ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. na gaganapin sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City.

Magsisimula umano ang concert dakong 5:30 ng hapon.

Makikita sa poster ang performers na sina Angeline Quinto, Nina, Joseph Marco, Kelvin Miranda, Daryl Ong, at bandang Rocksteddy.

Naroon din ang ex-couple at tinaguriang Concert King at Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Kontrobersiyal naman ang tila pag-alis daw sa larawan ni Kapamilya star Francine Diaz sa unang inilabas na poster ng line-up.

MAKI-BALITA: Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Makikita sa comment section ng Facebook post ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang tila himutok ng banda, na present noon sa mga ganap ng UniTeam, sa kasagsagan ng pangangampanya para sa halalan.

TINGNAN: Sandro Marcos - Join us for a night of music and fun at our free... | Facebook

Kahit daw tila nakalimutan na sila ay mananatili pa rin daw silang solidong tagasuporta ni PBBM.

"Nakalimutan na kami…"

"Pero Solid PBBM parin kami…."

"Alam namin na ang hangarin ng Pangulo ay magkaisa at walang ng kulay pink, walang pula kundi pagkakaisa at pagibig. Mabuhay ang Bagong Pilipinas… Solid PBBM."

Photo courtesy: Plethora via Sandro Marcos (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Plethora ganito Sana ang lahat di man na line up Pero naiintindihan ang sitwasyon."

"Plethora Politics kasi... Yan yung mga tao na hindi lumabas nun at takot ma-cancel... Huwag kayong mag-alala, tanda namin ang mga taong hindi nakakalimot at ligwak na sa amin ang mga taong di marunong magpahalaga sa mga nagpahalaga sa kanila..."

"Plethora mabuti ang kalooban ninyo at nakakaunawa kayo. Huwag sana kayo tumulad sa kulay green na pagkawatak-watak ang hangarin"

"Ganun talaga, hindi naman kasi kayo gano'n kasikat sa true lang hahaha."

"Plethora hindi naman siguro nakalimutan , but then need din po siguro umaapila kay Cong. Sandro Marcos."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng organizers tungkol dito.