September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Marian Rivera,' bet makatrabaho at makausap si Karylle

'Marian Rivera,' bet makatrabaho at makausap si Karylle
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT)

Nakakaloka ang sagot ng kahawig ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na si Patty Paraiso sa “Kalokalike Face 4.”

Sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Lunes, Setyembre 9, tinanong si Patty kung sinong tao raw ang gusto niyang makausap.

“Kung mayro’n kang isang tao na gustong makausap, na matagal mo nang hindi nakakausap, nami-miss na mga nakatrabaho mo noon…sinong gusto mong makatrabaho at kausapin?” usisa ni Unkabogable Star Vice Ganda.

Sagot naman ni Patty: “Well, gusto ko po si K….si Karylle.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“So, ito na kakausapin na natin ang mga hurado,” pag-iiba ni Vice Ganda sa daloy ng usapan.

Matatandaan kasing si Karylle ay ex-girlfriend ng asawa ngayon ni Marian na Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Minsan na ring naging usap-usapan ang pagbisita ng mag-asawa sa “It’s Showtime” kung saan nagsisilbi bilang host si Karylle.

MAKI-BALITA: DongYan bibisita sa It's Showtime; Karylle, papasok ba?