September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Di na raw pinapakinggan? Jessy muntik na raw makipaghiwalay kay Luis

'Di na raw pinapakinggan? Jessy muntik na raw makipaghiwalay kay Luis
Photo Courtesy: Screenshots from Jessy Mendiola (YT)

Inamin ng aktres na si Jessy Mendiola na dumating umano siya sa punto na binalak niyang hiwalayan ang mister na si Luis Manzano.

Sa latest episode ng vlog ni Jessy kamakailan, sinabi niya na may mga tao raw kasi sa paligid ni Luis na hindi okay kaya naisip niyang makipaghiwalay. 

“Sinabi ko sa kaniya: ‘either piliin mo ‘yong pamilya mo o piliin mo ‘yong mga kaibigan mo na hindi okay para sa ‘yo.’ So ang ending, nagpaalam na talaga ako kay Momskie [Vilma Santos] no’n,” lahad ni Jessy.

“Sabi ko: ‘Hindi  ko na po talaga kaya. Mahal ko po kayo pero hindi na po ako pinapakinggan ng asawa ko.’ Tapos after a few days, nagising siya sa katotohanan. Gradually, nakakalas siya sa mga taong ‘yon,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa ng aktres: “Talagang ang bigat sa pakiramdam. ‘Yong feeling na parang gusto mo na lang talagang iwan. Kaso ‘oo nga pala, kasal tayo. Hindi tayo basta-basta pwedeng maghiwalay.’”

Kaya naman sa palagay ni Jessy, pinagdaanan lang umano nila ang puntong iyon sa kanilang buhay may-asawa upang lalong palakasin ng Panginoon ang relasyon nila ni Luis.