September 17, 2024

Home SHOWBIZ Events

SP Chiz sa b-day ng kambal niyang anak: 'Nandito lang kami palagi ni Tita Heart!'

SP Chiz sa b-day ng kambal niyang anak: 'Nandito lang kami palagi ni Tita Heart!'
Photo courtesy: Screenshots from Chiz Escudero (IG)

May madamdaming birthday message si Senate President Francis "Chiz" Escudero para sa kaniyang anak na kambal na sina Chesi at Quino Escudero, na mababasa sa kaniyang Instagram post.

Makikita sa Instagram post ang pagdiriwang ng birthday ng kambal, kung saan makikita sa video ang misis na si Heart Evangelista.

Ayon kay Chiz, proud na proud siya sa mga anak na lumalaking may kababaang-loob, magalang, at mapagkalinga.

Ipinangako ng tatay na lagi siyang nasa tabi ng mga anak, kasama ang kaniyang misis na si Heart.

Events

National Artist Ricky Lee, inihayag susunod na projects matapos 'Kalahating Bahaghari'

"Happy Birthday to our wonderful twins Chesi @chesi_esc and Quino @quino_escudero !" anang Chiz.

"I am truly proud of you growing up to be such humble, respectful, loving and caring human beings. I hope you will continue to be such."

"I’m always praying for you to be blessed, be safe and for you to always have joy and peace in everything and anything that you do."

"Nandito lang kami palagi ni Tita Heart @iamhearte nyo na tutulong, aalalay, gagabay at tutugunan sa abot ng aming makakaya ano man ang kailangan ninyo upang makamit ang inyong mga pangarap sa buhay. We love you."

Sa comment section ay makikita naman ang tatlong heart emojis na komento ni Heart sa post ng mister.

Ang kambal ay anak ni Chiz sa dati niyang asawang si Christine Elizabeth Flores.