October 03, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Raquel nagpa-throwback video kay Jake: 'Sana maalala mo paano ka dinaya!'

Raquel nagpa-throwback video kay Jake: 'Sana maalala mo paano ka dinaya!'
Photo courtesy: Raquel Pempengco (FB)/Jake Zyrus (IG)

Usap-usapan ang Facebook post ni Raquel Pempengco, nanay ng dating international singing sensation na si Charice Pempengco, na Jake Zyrus na ngayon, matapos niyang ire-share ang isang thhrowback video ng performance ng anak noong finalist ito sa isang singing competition.

Inupload ng isang TikTok user ang throwback video ni Charice bilang contestant sa isang singing competition sa telebisyon.

"Bring Back Times," mababasa sa text caption ng uploader.

"Grabe ka Charice at this young age, napaka-matured mo kumantaaa!"

Tsika at Intriga

Heart at Pia, nag-unfollowan na raw sa IG; tanong ng netizens, 'Sinong nauna?'

Ang nabanggit na singing competition ay "Little Big Star" sa ABS-CBN noong 2005 hosted by Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo. Nahahati ito sa "little division" para sa 6 hanggang 9-anyos at ang "big division" naman ay para sa 10 hanggang 13. Nasa big division si Charice, mahigpit na katunggali ang ngayo'y actor-singer na si Sam Concepcion.

Sa nabanggit na timpalak, ang nagwagi ay si Sam at pumangatlo lamang si Charice.

Bagama't hindi siya ang grand winner, isa ito sa nagbukas ng pinto ng oportunidad para kay Charice para mapansin sa iba't ibang TV show abroad, hanggang sa kilalanin na nga siyang "most talented girl in the world" matapos hangaan ng buong mundo ang husay at kalibre niya sa pag-awit, na to be honest, hindi lahat ng local artist ay nagawa at naranasan ito. Ilan nga sa mga international artist na nakatrabaho niya ay sina Celine Dion, David Foster, at marami pang iba.

Para kay Mommy Raquel, "nadaya" ang kaniyang anak sa nabanggit na kompetisyon. Nang maabot naman nito ang pangarap, pinabayaan naman daw.

Makahulugan niyang caption sa kaniyang shared post, " , ..."

" ... .. . ," giit pa ng ina.

Facebook

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nagagalak ako na ang nanay patuloy parin umaasa na babalik si Charice. Buhay parin mga Chasters. Delulu man pero marami parin tayong umaasa na babalik ang nag iisng idolo natin. No one like her."

"Walang katulad walang nakapantay nag iisang Golden Voice of talented girl."

"naalala ko yan niluto ng mga judges pinanalo si Sam baks jusko ang ending bigla sila samba kay Charice nung international singer na"

"Sya p din po pinakamagaling,wala pa ding mkpantay at kahit nman ngayon n c Jake n sya magaling pa din."

"Nakakasad talaga kapag nakikita ko mga bagong vids ni Jake na kumakanta sa mga private event nalang at Sabi ko isip ko di nya deserve. Ang mga ganyang gigs dahil don xa dapat sa world stage, sa kanya ang world stage at sa kanya dapat ang kinang."

"Napakasakit para sa isang ina ang ganito..."

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ulit si Mommy Raquel matapos niyang sabihing walang makapapantay o makahihigit sa anak, matapos ang naging performance ni SB19 member Stell Ajero ng "All By Myself," sa concert ng international artist na si David Foster sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Nanay ni Jake Zyrus, nag-react sa ‘All By Myself’ ni Stell

MAKI-BALITA: Raquel sa anak na si 'Charice:' 'Wala pa akong nakikita na papalit sa yapak niya!'

MAKI-BALITA: Stell Ajero, nag-react na kay Raquel Pempengco: 'Siyempre nanay po siya...'