October 11, 2024

Home BALITA National

Payo ng DOH na vidyokol muna sa sex para iwas-mpox, umani ng reaksiyon

Payo ng DOH na vidyokol muna sa sex para iwas-mpox, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Freepik

Umani ng reaksiyon mula sa mga netizen ang payo ng Department of Health (DOH) sa publiko, lalo na ang mga aktibo sa kanilang sexual activity, na mag-video call na lang muna o virtual sex upang makaiwas sa posibleng pagkahawa o pagpapalaganap ng monkeypox o mpox.

"Go virtual! Gumamit ng video call kasama ang partner na pinagkakatiwalaan mo!" bahagi ng kanilang payo.

Hindi muna ipinapayo sa mga mag-partner na magkaroon ng close contact dahil ito ay puwedeng pagmulan ng pagkakapasa ng mpox.

Sa isang pahayag naman, pinagdiinan ni DOH spokesperson Albert Domingo na sinusunod lamang nila kung ano ang nakalagay sa advisory ng ibang bansa patungkol dito. Sa katunayan, mababasa rin ito sa website ng US Centers for Disease Control and Prevention o CDC.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

"Masturbate together at a distance without touching each other and without touching any rash. Have virtual sex with no in-person contact," saad ng CDC.

Ayon naman sa World Health Organization o WHO, "We do not yet know the extent to which infection can spread through semen, vaginal fluids, amniotic fluids, breast milk or blood."

Umani naman ito ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"hahaha, naku sanay na kami sa ganiyan hahaha"

"Asawang may OFW no problem hahaha..."

"Hahaha kahit wala pang mpox nangyayari na 'yan hahahaha."

"Exciting haha, huwag lang i-record at pagkakitaan."

"Buti na lang may gadgets at internet na hahaha."

Samantala, ang ilang kumpirmadong kaso ng mpox ay naitala sa Quezon City kamakailan.