September 23, 2024

Home SHOWBIZ

Okray ni Chad Kinis kay Long Mejia: 'Lahat ng tao papanget, nauna ka lang!'

Okray ni Chad Kinis kay Long Mejia: 'Lahat ng tao papanget, nauna ka lang!'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN (FB)

Nakakaloka ang hirit na biro ni Chad Kinis sa kapuwa niya komedyanteng si Long Mejia nang sumalang sila sa pinakabagong palaro ng “It’s Showtime” na “Throwbox.”

Sa isang episode ng nasabing noontime show nitong Sabado, Setyembre 7, napuno ng tawanan ang buong studio dahil puro komedyante ang kalahok sa palaro.

At isa nga sa napagdiskitahang biruin ay si Long. Idineklara kasi ni Chad na siya raw ang pinakapangit sa lahat ng contestant na naroon pero bigla siyang sinaway ni Vice Ganda.

“Uy, hindi naman,” sabi ng Unkabogable Star. “‘Wag mo namang tanggalan ng titulo si Long. ‘Yon na nga lang ang titulo niya, aagawan mo pa.”

Tsika at Intriga

Angelica Yulo may 2nd award: 'Most Exceptional Woman of the Year!'

Reklamo tuloy ni Long: “Bakit ba ako laging nadadamay; lagi akong nadudukot?”

“Kuya Long, okay lang ‘yon,” alo ni Chad. “Tandaan mo, okay lang ‘yan. Lahat ng tao papanget, nauna ka lang.” 

Nagtawanan ang mga kapuwa nila contestant dahil sa sinabi ni Chad. Si Long naman ay lumayo at pumunta sa dulong bahagi ng pila.

“Sabi nga nila, para gumanda ka sa paningin ng tao…doon ako,” aniya sabay turo sa kinaroroonan ni Negi.