September 19, 2024

Home SPORTS

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), EJ Obiena (IG)

May iba pa nga bang inaasahan ang ina ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na si  Jeanette Obiena pagkatapos ng nakamit ng anak nito sa nakalipas na Paris Olympics 2024?

Sa isang episode ng “Sa Totoo Lang” na mapapanood sa YouTube channel ng One PH, sinabi ni Jeanette na si EJ daw ang uri ng tao na ayaw ng mga may nakabiting gawain. Kaya susuportahan daw nila anomang gustuhin pa nito sa buhay.

“Kilala naman namin si EJ, e. He’s the person who doesn’t want a ‘what if?’ He wants to see na ito ‘yong gagawin ko. Ayaw n’yo no’ng may nakabitin,” saad ni Jeanette.

Dagdag pa niya: “So ang ano lang namin sa kaniya, to keep him the body healthy. And go for the happiness he wants. We’re all here.”

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matatandaang naiposisyon ni EJ ang sarili sa ikaapat na puwesto sa ginanap na pole vault finals sa Paris Olympics 2024 kamakailan.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, ibinuking ng jowa ni EJ na si Caroline Joyeux ang umano’y “two different sides” niya.

MAKI-BALITA: Buking ng jowang si Caroline: EJ Obiena, may 'two different sides'