October 03, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kung ganito pa sana boses niya!' Raquel, muling nanghinayang para kay Jake?

'Kung ganito pa sana boses niya!' Raquel, muling nanghinayang para kay Jake?
Photo courtesy: Screenshots from Raquel Pempengco (FB)/Screenshot from Morly Alinio (YouTube) via Balita

Usap-usapan ang recent Facebook posts ni Raquel Pempengco, nanay ng dating international singing sensation na si Charice Pempengco, na Jake Zyrus na ngayon, matapos niyang ire-share ang isang throwback video ng performance ng anak noong finalist ito sa isang singing competition.

Inupload ng isang TikTok user ang throwback video ni Charice bilang contestant sa isang singing competition sa telebisyon.

"Bring Back Times," mababasa sa text caption ng uploader.

"Grabe ka Charice at this young age, napaka-matured mo kumantaaa!"

Tsika at Intriga

Heart at Pia, nag-unfollowan na raw sa IG; tanong ng netizens, 'Sinong nauna?'

Ang nabanggit na singing competition ay "Little Big Star" sa ABS-CBN noong 2005 hosted by Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo. Nahahati ito sa "little division" para sa 6 hanggang 9-anyos at ang "big division" naman ay para sa 10 hanggang 13. Nasa big division si Charice, mahigpit na katunggali ang ngayo'y actor-singer na si Sam Concepcion.

Sa nabanggit na timpalak, ang nagwagi ay si Sam at pumangatlo lamang si Charice.

Bagama't hindi siya ang grand winner, isa ito sa nagbukas ng pinto ng oportunidad para kay Charice para mapansin sa iba't ibang TV show abroad, hanggang sa kilalanin na nga siyang "most talented girl in the world" matapos hangaan ng buong mundo ang husay at kalibre niya sa pag-awit, na to be honest, hindi lahat ng local artist ay nagawa at naranasan ito. Ilan nga sa mga international artist na nakatrabaho niya ay sina Celine Dion, David Foster, at marami pang iba.

Para kay Mommy Raquel, "nadaya" ang kaniyang anak sa nabanggit na kompetisyon. Nang maabot naman nito ang pangarap, pinabayaan naman daw.

Makahulugan niyang caption sa kaniyang shared post, " , ..."

" ... .. . ," giit pa ng ina.

MAKI-BALITA: Raquel nagpa-throwback video kay Jake: 'Sana maalala mo paano ka dinaya!'

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi naman ni Mommy Raquel ang video ni Charice mula naman sa American musical TV show noong 2009 na kinabilangan nito, ang "Glee," kung saan gumanap siyang si "Sunshine Corazon."

"ᴷᵁᴺᴳ ᴳᴬᴺᴵᵀᴼ ᴺᴬ ᴸᴬᴺᴳ ˢᴬᴺᴬ ᴮᴼˢᴱˢ ᴺᵞᴬ ᴰᴵ ˢᴬᴺᴬ.ᴰᴵ.ᴾᴬ.ᴿᴵᴺ ˣᴬ.ᴺᴬᵂᴬᴸᴬ ˢᴬ ᴸᴵᴹᴱᴸᴵᴳᴴᵀ..ᴰᴵ.ᴾᴬ ᴺᴹᴬᴺ ᴴᵁᴸᴵ...ᴴᴬᴮᴬᴺᴳ ᴮᵁᴴᴬᵞ ᴹᴬᵞ ᴾᴬᴳ.ᴬˢᴬ...ᴵᵀ ᴵˢ ᵂᴴᴬᵀ.ᴵᵀ ᵁˢ ᴷᴬᴴᴵᵀ.ᴵᵀᴬᴳᴼ ᴬᵀ.ᴾᴬᴸᴵᵀᴬᴺ ᴸᵁᴸᵁᵀᴬᴺᴳ.ᴾᴬ.ᴰᴵᴺ."

" - . ?" aniya.

Facebook

Sa ngayon ay nasa Amerika si Jake Zyrus at hindi pa raw sila nagkikita ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Jake Zyrus, hihintayin ng nanay bumalik hangga't may hininga pa