September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bahay ng pamilya Yulo sa Cavite for sale na; mga tambak na gamit, inokray

Bahay ng pamilya Yulo sa Cavite for sale na; mga tambak na gamit, inokray

Ibinebenta na ang dalawang palapag na bahay ng pamilya Yulo sa Imus, Cavite kung saan makikita ang ilan sa mga litrato ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na naka-display pa sa mga dingding.

Noong Setyembre 1 ay ipinost ng kaanak ni Angelica Yulo, nanay ni Caloy, ang tungkol sa pagiging for sale ng bahay ng mga Yulo.

Hindi tinukoy kung magkano ibinebenta ang bahay, at ang sabi lang, makipag-ugnayan ang mga interesado sa madir ni Carlos.

"House For Sale. Just pm Angelica Poquiz Yulo to those interested," caption dito ng uploader na si Ana Bonita Poquiz. Hindi tinukoy sa post ang aktuwal na presyo nito, at kung ano ang dahilan kung bakit ito for sale na.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

TINGNAN: House For Sale. Just pm Angelica Poquiz Yulo... - Ana Bonita Poquiz | Facebook

Kalakip ng Facebook post ang ilang mga kuhang larawan sa kabuuan ng bahay, gayundin ang ilang bahagi nito gaya ng sala, mga kuwarto, kusina, at maging palikuran. Makikitang well-maintained naman ang mga bahagi nito.

Subalit ilang netizens naman ang umokray sa ilang mga tambak na mga gamit lalo na sa double deck na kama sa mga kuwarto.

Ilang mga netizen tuloy ang nagsabing baka raw binabaha sa lugar kaya nakataas ang mga gamit sa double deck. May mga nagpayo ring bago raw sana ipinost ang mga larawan ay tiniyak munang nakaligpit ang mga gamit at kasangkapan at hindi "nakakalat."

Isang netizen pa ang nagsabing repleksyon ng bahay ang uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira dito.

"Pag ganyan kagulo ang bahay, sumasalamin sa tunay nila pamumuhay," anang netizen.

Isang "Jena V. Frisco" naman ang pumalag at sumagot dito.

"kaya lng naging ganyan yan d ko na kasi nagaasikaso Pero noong nakatira ako Jan ipagtanong Nyo ako Jan kung sino ako d kayo mapapahiya."

Isang netizen naman ang nanlait at naikonekta pa ito sa girian nina Carlos at ng kaniyang pamilya.

"Papaanong hindi magagalit ang anak...HINDI MARUNONG MAMAHAY! PARANG READY TUMAKAS SA BAHA, SA BAGYO O SA GYERA..........NAGKAKAGULO MGA GAMIT...ANG KUBETA?? SUKA AT BAKING SODA lang yan!"

Pumalag naman dito ang nag-post na si Ana, "Bobita ilang taon Ng Ang walang nakatira."

Narito pa ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"How much po?"

"Bakit ibinebenta?"

"Binabaha ba sa lugar na 'yan?"

"Dapat presentable ang dating ng bahay kung ibebenta. God ang messy!"

"Ang tao namàn sobrang mga pakialamera mind your own business bat namàn kayo naproblema."

"Good day! Sana naka ayos man lang Bago kuhaan ng picture just a reminder."

Samantala, wala pang update si Ana o si Angelica kung may nakabili na sa unit.