October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anak ni Rica ipinagtanong ng server ng resto kung kasama nila, na-offend ba?

Anak ni Rica ipinagtanong ng server ng resto kung kasama nila, na-offend ba?
Photo courtesy: Rica Peralejo (IG)

Isang story time ang ibinahagi ng aktres na si Rica Peralejo-Bonifacio nang minsang kumain silang mag-anak sa isang mamahaling restaurant kasama ang mga kaibigan.

Ayon sa full-time mom na hindi na masyadong aktibo ngayon sa showbiz, tila napagkamalang "street kid" ng server ang kaniyang anak na si Manu dahil sa hitsura nito nang pumasok sila sa restaurant.

Imbes na magalit at mainsulto ay natawa rin si Rica dahil maging siya, aminadong hindi appropriate ang pormahan nila nang pumasok sa nabanggit na establishment.

Nakapambahay lang daw kasi sila, lalo na si Manu, na may dala-dala pang patpat mula sa sanga ng puno.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

"True story na we were seated here when server asked us if kasama namin si Manu," anang Rica sa kaniyang Instagram stories.

Photo courtesy: Rica Peralejo (IG)

"Akala nya ata he is a street kid na disturbing us... and I think I know why..."

"Ganito kasi itsura nya may dala syang stick inside a fancy resto with his play clothes and birks na syempre may duming bata! Eh medyo fancy yung place so akala yata nila he cannot be dining with us."

Photo courtesy: Rica Peralejo (IG)

Pero paglilinaw ni Rica, hindi naman daw siya na-offend o nainsulto dahil totoo naman daw kasing para siyang batang naglaro sa kalye at hindi nila kasama.

"Di naman ako naoffend kasi sa totoo lang mukha talaga syang batang naglaro sa kalye at sa totoo lang din hindi namin alam na fancy pala yung pipiliin for dinner ng mga friends namin kaya medyo sobrang casual lang namin pamilya hahahahaha..."

Photo courtesy: Rica Peralejo (IG)

Ipinakita pa ni Rica ang larawan ng stick na dala-dala ni Manu na may nakasuksok pang tsinelas ng bata.

Photo courtesy: Rica Peralejo (IG)

Si Rica ay kasal kay Joseph Bonifacio na pastor ng isang church at sila ay may dalawa nang anak: sina Philip at Manu.