October 05, 2024

Home SPORTS

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan
Photo courtesy: Kate Garcia/BALITA

Sumipa na ang season 87 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ngayong araw, Setyembre 7, 2024 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinangunahan ng University of the Philippines (UP) ang pagbubukas ng bagong season ng liga bilang season’s host kung saan ibinida nila ang tatak Pinoy katulad ng cultural performances at ilang sikat na awiting Pilipino.

Si season 86 Athlete of the Year Quendy Fernandez ang nanguna sa oath taking ng mga atleta mula sa 8 participating university matapos ang parade of athletes.

Samantala, si UAAP season 87 President Atty. Edgardo Carlo Vistan naman ang opisyal na nagpasinaya sa pagbubukas ng new season na sinundan naman ng pasabog na performance ng Eraserheads bilang isa sa highlight ng programa. 

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Ayon kay Atty. Vistan, mula sa tema na “Stronger. Better. Together,” layunin ng UAAP board na pag-isahin ang 8 unibersidad sa iisang adhikain na magkampeon sa kabila ng pagpapanatili nila ng kanilang school spirit.

Nakatakdang magharap ngayong araw 6:30 ng gabi ang Ateneo De Manila University at University of the Philippines bilang opening game.

Kate Garcia