October 05, 2024

Home SHOWBIZ

R Big Sister’s House ni Rosmar, dinogshow ng netizens: ‘Ano na naman yan, Rosmar!’

R Big Sister’s House ni Rosmar, dinogshow ng netizens: ‘Ano na naman yan, Rosmar!’
Photos courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin/FB

Dinogshow ng netizens ang bagong pakulo ng negosyanteng si Rosmar Tan na "R Big Sister's House."

Kasi naman mula sa pinag-usapang overload pares at viral champorado, papasukin na rin ni Rosmar ang pagkakaroon ng tila sariling "reality show?"

Kamakailan, ipinost niya kung paano maging housemate sa R Big Sister's House.

BASAHIN: Kabahan na si Big Brother? R Big Sister's House, bagong pakulo ni Rosmar Tan

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Samantala, sa TikTok post ni Rosmar, tila dinogshow siya ng mga netizen. 

"Ano na naman ito, Rosmar!"

"Ang randommm mo na po masyado "

"ano nnman yan  kakatapos mo lng sa champorado ah"

"big brother naman kinalaban"

"pwede po ba ang lactating mom dyan?"

"random ng buhay mo mhie"

"pwede po ba sa buntis, bata, at lactating mom?"

"amats ka talaga rosmar "

"ang task nyo ay magpack ng mga order, magserve ng pares at champorado, at alagaan si yaya agie"

"iba na nman trip niya "

"makakalabas po ba ng buhay?"

Gayunman, marami naman din ang nagnanais sumali sa R Big Sister's House. Katunayan, marami na nga ring ang nag-audition. 

Sabi rin kasi ni Rosmar, mag-uuwi raw ng 6 digits kung sino man ang mananalo. 

BASAHIN: Kabahan na si Big Brother? R Big Sister's House, bagong pakulo ni Rosmar Tan