October 11, 2024

Home BALITA Metro

Quezon City LGU, nakapagtala ng 2 bagong kaso ng mpox

Quezon City LGU, nakapagtala ng 2 bagong kaso ng mpox
MPOX (MB file photo)

Nakapagtala ng dalawang panibagong kaso ng mpox (dating monkeypox) ang Quezon City government, nabatid nitong Sabado, Setyembre 7.

Bago ito, naunang naitala ng lokal na pamahalaan ang unang kaso ng mpox noong katapusan ng Agosto, kung saan 37-anyos na lalaki ang unang tinamaan nito.

BASAHIN: 37-anyos na lalaki mula sa Quezon City, tinamaan ng mpox

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), ang dalawang bagong kaso ay pawang mga lalaki rin na may edad 29-anyos (pangalawang kaso) at 36-anyos (ikatlong kaso). Kasalukyan silang naka-isolate sa kanilang tahanan at nakatatanggap ng tulong medikal na kailangan.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Ang 29-anyos na tinamaan ng mpox ay nakaramdam ng sintomas (mouth lesion) noong Agosto 21 at inireport ito sa isang institusyon kinabukasan. Isinailalim naman siya sa testing noong Agosto 28 at lumbas na positibo ito sa naturang noong Agosto 30. 

Samantala, ang 36-anyos naman ay nagkalagnat noong Agosto 26 at nagkaroon ng rashes noong Agosto 27. Gayundin, sumailalim sa testing ang lalaki at dinala ang kaniyang speciman sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Lumabas ang resulta noong Setyembre 5 kung saan positibo ito sa mpox.

Dahil dito, nagbigay-paalala si Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng lungsod na gawin ang preventive measures laban sa mpox.

“Hindi biro ang mpox. Malala ang epekto nito, lalo na sa mga taong mahina ang immune system kaya napakahalaga na tayo mismo ay mag-ingat para hindi makakuha ng virus, at hindi tayo makahawa pa. Ugaliin pa rin ang paghuhugas ng kamay, at lumayo sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox,” ani Belmonte.

“Kung may sintomas kayo ng mpox, agad nang pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital para magpatingin. Hindi namin kayo papabayaan at handang tumulong ang lokal na pamahalaan para sa inyong mabilis na pagpapagaling,” dagdag pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA:  DOH, naglabas ng bagong guidelines vs. mpox