September 17, 2024

Home SHOWBIZ

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT)

Nakakaloka ang isiniwalat ng Unkabogable star na si Vice Ganda tungkol kay Kapuso comedienne Rufa Mae Quinto.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi ni Vice Ganda na ayaw na raw umuwi ni Rufa simula nang bumisita ang huli sa nasabing noontime show.

“Si Rufa Mae, ‘no, nagme-meeting ‘yong mga staff kahapon. Sabi nila: ‘Paano ba natin mapapauwi si Rufa Mae?’ Hindi na raw talaga umuuwi,” lahad ni Vice Ganda.

“Kasi ang usapan, one day guesting lang ‘to. Ginawa nga niyang regular ‘yong sarili niya. Araw-araw pumapasok siya. Kaya nga nagme-meeting. ‘Paano natin mababayaran ‘to?’” wika niya.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

At tila gusto pa ngang sumagad ni Rufa dahil kahit Linggo raw ay gusto niyang pumasok maski walang “It’s Showtime” sa nasabing araw. 

“Kinausap na nga siya. Sabi, baka raw pwedeng kahit Sunday umuwi ka na kasi wala kaming ‘Showtime.’ Hindi, may nakita raw siya. May studio raw na bukas ang ilaw, ‘ASAP [Natin ‘To].’ Pupunta rin daw siya,” saad pa ng Unkabogable star.

Kaya hirit niya kay Rufa: “Pwede bang humingi na lang ng discount?”

“Yes, oo. Pero sige pwede namang ano, I semi-regular,” sagot ni Rufa na ikinatawa nina Vice Ganda.

Matatandaang may ganito ring hirit si Rufa kamakailan nang sagutin niya ang isang netizen na humihiling na sana raw ay maging regular host na siya ng "It's Showtime."

MAKI-BALITA: Rufa Mae sa hirit na maging host ng It's Showtime: 'I regular myself haha'