September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Liza Soberano, lumayas na raw sa management ni James Reid?

Liza Soberano, lumayas na raw sa management ni James Reid?
Photo Courtesy: Liza Soberano, James Reid (IG)

Kalat na kalat na raw ang kuwento tungkol sa pag-alis ng aktres na si Liza Soberano sa “Careless” na nasa ilalim ng pamamahala ng aktor at singer na si James Reid.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, sinabi ng co-host ni showbiz columnist Cristy Fermin na si Romel Chika na naka-unfollow na umano si Liza sa Careless.

“Nagulantang ang lahat kasi napansin na nila na nag-a-unfollow na ‘tong si Liza Soberano sa kaniyang Careless company at kay James Reid mismo, sa kaniyang manager,” saad ni Romel.

“Ang sabi nga, mas maigi na raw na ang nagma-manage ngayon kay Liza Soberano ay ‘yong mga nasa abroad mismo,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ng host: “‘Yong agency do’n kasi do’n naka-base kesa daw kay James Reid na nandirito na hindi naman siya nabibigyan ng magandang proyekto. ‘Yong ang lumulutang na mga balita.”

Para makasiguro kung totoo nga talaga ang nasabing tsika, sinubukan ng Balita na tingnan ang listahan ng mga pina-follow na account ni Liza sa kaniyang Instagram account. 

Nakita nga ng Balitang hindi sinusundan ng account ni Liza ang Careless ngunit naka-follow pa rin naman sila ni James sa isa’t isa.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina James at Liza hinggil sa nasabing isyu.