December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kate Valdez, nagsalita na sa real-score nila ni Fumiya

Kate Valdez, nagsalita na sa real-score nila ni Fumiya
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT), Kate Valdez (IG)

Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso actress na si Kate Valdez tungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ni ex-Pinoy Big Brother housemate na si Fumiya Sankai.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Setyembre 6, sinabi ni Kate na pareho umano sila ng nararamdaman ng ex-PBB housemate.

“The feelings are mutual and we were just both happy that we exist in this world,” natatawang saad ni Kate.

Sundot naman ni Boy: “1 to 10, nasa’n ‘yong relasyon na ‘yon?”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“8,” tila kinikilig na sagot ng aktres.

“Malapit na,” sey tuloy ni Boy. “Alam mo, hindi talaga maitago sa mga ngiti mo.”

Matatandaang nagsimulang mabuo ang espekulasyon na may namamagitan kina Fumiya at Kate nang lumutang sa social media ang mga larawan nila nang magkasama sa Hong Kong Disneyland.

Samantala, noong Nobyembre 2023 ay naiulat ang hiwalayan nina Kate at Yasser Marta. Sa isang panayam, nabanggit ng aktor na malaking factor umano ng kanilang breakup ay ang kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Ina ni Yasser, may kinalaman sa hiwalayan nila ni Kate?