October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Kabahan na si Big Brother? R Big Sister's House, bagong pakulo ni Rosmar Tan

Kabahan na si Big Brother? R Big Sister's House, bagong pakulo ni Rosmar Tan
Photos courtesy: Rosemarie Tan Pamulaklakin/FB

Mula sa pinag-usapang overload pares at viral champorado, tila hindi nauubusan ng pakulo ang negosyanteng si Rosmar Tan. Paano ba naman, kung may Pinoy Big Brother (PBB) ang ABS-CBN, mayroon naman siyang R Big Sister's House! 

Sa serye ng Facebook post ni Rosmar, pwede na raw mag-audition ang mga gustong pumasok bilang housemate sa R Big Sister's House niya. Bukas daw ito para sa mga gustong "sumikat" at maging "endorser."

"Gusto mo ba sumikat? Pasok na sa R Big Sister's House this September na! Papasikatin kita sa ayaw o gusto mo. Libre pagkain, tirahan, wifi, kuryente, tubig, at uulan ng endorsement para sayo for 3 months yan," sey ni Rosmar sa isa sa mga posts niya.

Dagdag pa niya, "At ang mapipili ni BIG SISTERay mag-uuwi ng 6 digits sa Pasko paglabas mo ng BAHAY NI ATE."

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Magsisimula raw ang pagpasok ng mapipiling housemates sa September 25 na tatagal hanggang December 25, mismong araw ng kapaskuhan. 

Sa Facebook page ng R Big Sister's House, makikita ang ilang details kung paano mag-audition.

Ang pwede lang mag-audition ay may edad 18 hanggang 30 years old. 

PAANO? Mag-post lang daw ng 2-minute video kung bakit ikaw ang dapat mapili na makapasok sa R Big Sister's House.

Kaloka ka, Rosmar!