Nagbahagi ng mga larawan ang social media personality na si Erwan Heussaff kasama ang misis niyang si Anne Curtis matapos kumalat ang tsikang hiwalay na umano silang dalawa.
Sa latest Instagram post ni Erwan nitong Sabado, Setyembre 7, makikita ang larawan ng pagtsibog nilang mag-asawa sa isang seafood restaurant na matatagpuan sa Singapore.
“Marked safe,” saad ni Erwan sa caption.
“Anne and I have never really posted much about each other online, it's just how we are. We don't feel the need to prove anything to anyone,” aniya sa comment section.
Dagdag pa niya: “But everyone has to work on being less gullible online, information can be weaponised. This wasn't a big deal, but imagine its something that has real word repercussions.”
Matatandaang lalong tumindi ang intrigang hiwalay na ang mag-asawa nang mapansin ng isang netizen na hindi suot ni Erwan ang wedding ring nila ni Anne.
MAKI-BALITA: Di raw suot ang wedding ring: Erwan, inintrigang hiwalay na kay Anne