October 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Erwan Heusaff, Anne Curtis walang kailangang patunayan sa kahit sino: 'It's just how we are'

Erwan Heusaff, Anne Curtis walang kailangang patunayan sa kahit sino: 'It's just how we are'
Photo Courtesy: Erwan Heusaff (IG)

Bukod sa ibinahaging larawan nila ng asawang si Anne Curtis, naglahad din ng pahayag ang chef at social media personality na si Erwan Heusaff hinggil sa isyu ng hiwalayan umano nilang dalawa.

Sa latest Instagram post ni Erwan nitong Sabado, Setyembre 7, mababasa ang kalakip na komento niya sa larawan nila ni Anne sa isang seafood restaurant sa Singapore.

Ani Erwan: “Anne and I have never really posted much about each other online, it's just how we are. We don't feel the need to prove anything to anyone.”

“But everyone has to work on being less gullible online, information can be weaponised. This wasn't a big deal, but imagine its something that has real word repercussions,” dagdag pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kaya naman paalala niya sa lahat: hindi dahil maraming views ang isang bagay ay nangangahulugang ito ay totoo na.

Matatandaan nagsimulang kumalat ang tsikang on the rocks umano ang relasyon nila ni Anne dahil sa ilang Facebook pages.

Lalong tumindi ang espekulasyong ito nang mapansin ng isang netizen na hindi suot ni Erwan ang wedding ring nila ng misis niya.

MAKI-BALITA: Di raw suot ang wedding ring: Erwan, inintrigang hiwalay na kay Anne