September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Donny, shookt matapos nakawan ng halik ng bebot na fan; umani ng reaksiyon

Donny, shookt matapos nakawan ng halik ng bebot na fan; umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Screenshots from @KathDon (TikTok)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang TikTok video kung saan makikitang biglang tinuka sa pisngi ng isang babaeng fan ang Kapamilya star na si Donny Pangilinan, habang nasa isang out of town event ito.

Ibinahagi ng isang TikTok user ang video kung saan makikita si Donny na naglalakad papunta sa basketball court para sa isang out of town activity kasama ang ilan ding celebrities.

Isang babae naman ang maiispatang sumusunod sa kaniya at biglang umakbay at nag-selfie.

Ngunit bago tuluyang umalis ang babae ay bigla nitong tinaniman ng halik sa pisngi si Donny.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bahagyang natawa ang aktor ngunit mababakas pa rin sa mukha nito ang pagkabigla sa ginawa ng kaniyang tagahanga.

Marami sa fans at supporters ni Donny ang umalma sa ginawa ng fan, lalo na raw sa panahon ngayon ng mpox at iba pang lumalaganap na sakit. 

Isa pa, bakit daw kapag babae ang ginanito ay marami na agad aalma, samantalang kapag lalaki ang nanakawan ng halik ay parang okay lang?

"sa panahon ng mpox? haha"

"OMG kaluod!"

"Pinost pa talaga mygosh ate!"

"Sexually harrassed si Donny syempre palalampasin yan kasi 'lalaki'"

"Huy ate kalma. Kahit fan na fan ka dapat you should respect his space."

"Kahit artista si donny, fans should know how to respect his space, that's SA."

"May mga virus na kumakalat sa panahon ngayon. Kaya bukod sa h@r@ssment tong ginawa ni ateng, pwedeng makapanghawa."

"jusko ung ibang mga fans di na marunong lumugar. anong nangyayare sainyo. goodness."

Pero sey naman ng iba, normal lang naman sa mga artistang gaya ni Donny ang makaranas ng ganito sa fans. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donny tungkol dito.