September 16, 2024

Home BALITA National

DILG Sec. Abalos, iginiit na 'di niya kilala si Alice Guo: 'Hindi ko ho close!'

DILG Sec. Abalos, iginiit na 'di niya kilala si Alice Guo: 'Hindi ko ho close!'
Photo courtesy: DILG Sec. Benhur Abalos

Iginiit ni Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na hindi niya kilala si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Sa ginanap na news forum sa Quezon City nitong Sabado, Setyembre 7, sinabi ni Abalos na tinurnover ng Indonesia si Guo noong Huwebes, Setyembre 5, ang unang beses na nakausap niya ito nang ganoon kalapit.

“Hindi ko ho close, hindi ko ho kakilala si Alice Guo. It’s only that time na ganoon ko siya kalapit na nakakausap ‘no, I don’t know,” ani Abalos.

Ang naturang paliwanag ng DILG chief ay matapos niyang maging usap-usapan dahil sa nag-viral na nakangiting larawan niya kasama si Guo at Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil, kung saan binibigyan umano nila ng “special treatment” ang pugante.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Samantala, itinanggi ni Abalos na may special treatment sila kay Guo, at ipinaliwanag din niya ang nag-viral na larawan.

BASAHIN: Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas, tulad ng pagkasangkot umano niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.

Matapos ang ilang mga linggong pagtatago, naaresto siya ng mga awtoridad ng Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!