September 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, sumagot sa netizen na nagsabing may anak na siya

Chloe San Jose, sumagot sa netizen na nagsabing may anak na siya
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Hindi pinalagpas ni Chloe San Jose ang isang netizen na nagkomento sa kaniyang post na umano'y may anak na siya at itinatago lamang sa publiko.

Matatandaang kumakalat ang mga tsika at intriga sa iba't ibang social media pages na may anak na nga raw si Chloe na hindi inilalantad sa publiko.

Cool na sinagot ni Chloe ang bintang sa kaniya ng netizen sa comment section ng sariling post.

"Bigyan kita ng award pag nahanap mo yung anak ko na sinasabi mo," ani Chloe.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Sa kasalukuyan ay burado na ang komentong ito ng netizen.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng Balita kay Atty. James Mark Padrones Ciudadano, legal counsel at spokesperson ng biological mother ni Chloe na si Maria Fe San Jose o "Marie," hindi totoo ang mga kumakalat na fake news na may anak na si Chloe.

"Chloe does not have a baby as far as we know, and the picture that is spreading stating that it is Chloe’s alleged baby, is actually her younger brother," paglilinaw ng legal counsel.

MAKI-BALITA: Biological mom ni Chloe San Jose nagsalita na; relasyon sa anak, 'di rin maganda?