September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BGYO inurong kaso sa isang hater, pero 'babagyuhin' ng demanda ang iba

BGYO inurong kaso sa isang hater, pero 'babagyuhin' ng demanda ang iba
Photo courtesy: Star Magic (FB)

Iniurong ng all-male Pinoy Pop group na "BGYO" ang isinampa nilang cyber libel case sa isang hater matapos itong personal na makipag-ugnayan sa kanila at humingi ng dispensa.

Ayon sa inilabas na pahayag ng BGYO, pinapatawad nila ang nagngangalang "Rachelle Galang" dahil sa mga sinabi nito laban sa kanila, matapos itong mag-sorry sa grupo.

"Kanina po ay nabasa namin ang statement ni Ms. Galang kung saan siya ay personal na humingi ng tawad sa amin. Tatanggapin po namin ang kanyang pag-amin ng pagkakamali. Bilang konsiderasyon na lang din po sa kanyang pamilya, ay iuurong po namin ang kaso laban sa kanya."

Ngunit ang ilang bashers at haters ay tila hindi makaliligtas sa "bagyong" ipapadala ng grupo dahil itutuloy nila ang kaso laban sa kanila.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Gayunpaman, ipinagpapatuloy po namin ang iba pang mga kaso na isinampa namin. We hope that Ms. Galang and other netizens would learn from this and stop spreading baseless and malicious allegations against other persons."

STAR MAGIC - READ: BGYO Official Statement on Rachelle Galang Apology | Facebook

Hindi naman tinukoy ng grupo kung sino-sino ang mga masasampolan.

Sa huling talata ng pahayag, hangad ng BGYO na matapos na ang pagpapakalat ng pekeng balita laban sa kaniya.