October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Bagong panganak, pinakahulas na looks ni Kristine, maganda pa rin

Bagong panganak, pinakahulas na looks ni Kristine, maganda pa rin
Photo courtesy: Kathleen Hermosa (IG)

Pinuri ni Kathleen Hermosa ang bagong panganak na kapatid na si Kristine Hermosa-Sotto dahil kahit bagong luwal at hulas pa ito ay ang ganda-ganda pa rin!

Ibinahagi ni Kathleen sa kaniyang Instagram story ang larawan ni Tin kasama ang bagong silang na pamangkin na si Isaiah Timothy. Pang-anim na nila itong junakis ng mister na si Oyo Sotto.

Ayon sa text caption ni Kathleen, kahit daw bagong panganak ang kapatid at pakiramdam ay nasa pinakahulas na stage, hindi pa rin maitatangging ang ganda pa rin. 

"Yung bagong panganak ka pero ito na ang pinakahulas that you can get. Paanu ito Lord? Yung walang kahit anung makeup like her too!!" anang Kathleen. 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Photo courtesy: Kathleen Hermosa (IG)

Wish ni Kathleen na magbuntis na rin siya sa anak nila ng mister na si Miko. 

Looking forward na ang Tita Kathleen na makarga ang kaniyang pamangkin na si Isaiah Timothy. 

Ibinahagi ni Oyo Sotto noong Setyembre 5 na naisilang na ng misis na si Kristine ang kanilang ikaanim na anak noong Setyembre 3.

"Testimony of God’s faithfulness… You deserve all praise and glory Lord Jesus Christ! Isaiah Timothy, 9.3.24," caption dito ni Oyo.

Masayang ibinalita ng aktres na si Kristine ang tungkol sa kaniyang muling pagbubuntis sa edad na 40 noong Pebrero.

Ang iba pa nilang mga anak ay sina Kiel, Ondrea, Kaleb, Marvin, at Isaac na kasama sa ibinida nilang larawan sa Instagram post ni Oyo.

Karga ng ateng si Ondrea ang bunso nilang kapatid na si Isaiah Timothy.

MAKI-BALITA: Di papatalo kina Drew at Iya: Pang-anim na anak nina Oyo at Kristine, isinilang na