September 20, 2024

Home SPORTS

Victory photo ni Rizza Mandapat ng Creamline, dinogshow ng netizens

Victory photo ni Rizza Mandapat ng Creamline, dinogshow ng netizens
Photo courtesy: Creamline Cool Smashers (FB) / Senyora ng Volleyball (X)

Spotted si Queen Rizza!

Kinagigiliwan ng volleyball fans ang victory photos ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference champions Creamline Cool Smashers kung saan mayroon silang solo picture kasama ang kanilang winning trophy.

Ito na ang ika-siyam na kampeonato ng Creamline sa PVL na ayon nga sa mga netizens ay tila “living in cloud-9,” nga raw ang koponan.

Hindi naman nakaligtas si Creamline Opposite Spiker Rizza Mandapat matapos dogshowin ng netizens ang kaniyang solo moment kasama ang tropeo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Si Mandapat ang isa sa mga natitirang franchise player ng koponan. Bunsod nga ng pagiging beterano nito, ay hindi na siya gaanong nagagamit.

Kaya naman ani ng netizens, ay kaya raw umano nitong magkampeon nang hindi pinagpapawisan sa buong conference.

“The trophy and medal collector of all time Queen Rizza.”Slay, another day, another gold medal.”

“Queen Mandapat patiently waiting sa gedli for her 10 gold medal.”

“OUR VERY OWN UNTOUCHABLE QUEEN BULLDOG”KWEEN MANDAPAT SECURING ANOTHER GOLD PURRRRR”“Winningest Pinay Volleball Player of all Time Haha”

Bukod sa “Queen Mandapat,” binansagan din si Rizza bilang “Queen Bulldog,” na hango sa alma mater nitong National University. Ayon pa sa mga netizens, siya raw kase ang natatanging manlalarong nagmula sa NU na nag-uwi na ng pinakamaraming ginto sa PVL.

Kate Garcia