November 25, 2024

Home BALITA National

Guo sa all-smiles pictures niya kasama gov't employees: 'Masaya akong makita sila'

Guo sa all-smiles pictures niya kasama gov't employees: 'Masaya akong makita sila'
(contributed photo)

Ipinaliwanag ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ang mga kumakalat na larawan kung saan “all smiles” siya kasama ang ilang mga kawani ng pamahalaan tulad nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil. 

Sa panayam ng mga mamamahayag na inilabas ng ABS-CBN News nitong Biyernes, Setyembre 6, kinumpirma ni Guo na mayroon siyang death threats kaya’t masaya raw siyang makita sina Abalos at pakiramdam daw niya ay ligtas siya.

MAKI-BALITA: Guo, nagpatulong kay Abalos: 'May death threats po ako'

“Kino-confirm ko po ang lahat ng sinabi ni Secretary (Abalos) na meron po akong death threats po at humingi po ako ng tulong sa kanila at masaya rin po ako na makita po sila. I feel safe po,” ani Guo.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Nang tanungin naman kung ito ang dahilan kaya’t masaya siya sa mga kumakalat na mga larawan sa social media, simpleng sagot ni Guo: “Opo.”

Samantala, nagbigay rin ng paliwanag si Abalos kaugnay ng naturang masayang larawan nila ni Marbil kasama ang pinatalsik ng alkalde.

BASAHIN: Sec. Abalos, nagpaliwanag sa larawang naka-'peace sign' si Alice Guo

Matatandaang nitong Biyernes ng madaling araw nang makalapag sa Pilipinas si Guo matapos siyang i-turn over ng Indonesia sa mga awtoridad ng bansa.

Ito ay matapos maaresto si Guo ng mga awtoridad ng Indonesia noong Miyerkules, Setyembre 4.

BASAHIN: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.