September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

GMA writers, pinagbabawalan nang makipag-close sa mga artista?

GMA writers, pinagbabawalan nang makipag-close sa mga artista?
Photo Courtesy: GMA Network (FB), Freepik

Tila nagkaroon ng epekto ang isyung kinasangkutan ng Kapuso Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa mga production staff ng GMA.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Setyembre 5, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang tsika tungkol sa mga writer ng nasabing TV network.

“Ito nga, nabalitaan ko lang din naman ‘to. Gaano katotoo na ang mga head writer, ang mga writers daw ay parang something like pinagbabawalan nang makipag-close sa mga artista…sa GMA daw?” lahad ni Ogie.

“‘Yan ay nabalitaan ko lang naman. Sana ay ito ay hindi totoo. At kung totoo man, e, baka rin kumbaga pinag-iingat na lang din siguro ‘yong mga production staff na dumikit kayo sa mga artista para wala nang isyu,” wika niya.

Tsika at Intriga

Epekto ng robbery incident sa London: Catriona, tensyonado na 'pag nasa labas

Dagdag pa ng showbiz insider: “Ako, maiintindihan ko ‘yon kung gano’n ang rason.”

Gayunman, aminado si Ogie na lagi umanong may isyung kaakibat ang bawat isinasagawang event mapa-GMA Gala man o ABS-CBN Ball. 

Ayon sa kaniya: “Hindi talaga siya mawawala. ‘Di ba may mga suntukan pa nga ‘yan before between Matteo Guidicelli and Coco Martin over Maja Salvador that time?”

“Maging sa ABS-CBN Ball may mga ganyan ding pangyayari kaya lang hindi naha-highlight. Ito lang talagang nangyari kay Sandro Muhlach na talagang hindi nanahimik ‘yong bata,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagsimula ang tungkol sa isyung ito nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?