December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Coach na malapit sa pamilya Yulo, ginisa si Chloe San Jose; naglapag ng 'resibo'

Coach na malapit sa pamilya Yulo, ginisa si Chloe San Jose; naglapag ng 'resibo'
Photo courtesy: Chloe San Jose (TikTok) and Manila Bulletin (FB)

Tila hindi na nga nakapag-timpi ang umano’y isang malapit na coach sa pamilya Yulo at inilapag ang mga "resibo" sa umano’y pangungutya ni Chloe San Jose, girlfriend ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, kay Angelica Yulo.

Usap-usapan ngayon ang Facebook post ng gymnast coach na si Gerard Fajardo matapos ang matapang niyang pagsisiwalat sa mga screenshot kung saan makikitang tila naghahamon pa ng away si Chloe.

Kasama sa mga naturang screenshot ang isang mahabang caption ni Gerard na nagsasaad ng umano’y tunay na nangyari sa girian ng mag-inang Caloy at Angelica.

Inilahad din ni Gerard ang umano’y pagmamanipula ni Chloe upang tuluyang malayo ang loob ni Caloy sa kaniyang pamilya.

Tsika at Intriga

Enrique Gil, ayaw pagbigyan ng interview si Ogie Diaz?

“Iyang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni Caloy sa Olympics, oo... Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid niya, sinigurado mong mawawala sila,” gigil na paglalahad ni Gerard.

“Ikaw Chloe, nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng Caloy at sila ang nawalan. Goal mo pa rin talagang punuin ng galit, ang puso ni Caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?” dagdag pa niya sa caption.

Hindi man nagkomento ang pamilya Yulo tungkol dito, tila mas napaniwala naman ang netizens matapos itong i-share ng tatay ni Caloy na si Mark Andrew Yulo sa kaniyang Facebook account. 

KAUGNAY NA BALITA: Shared posts ng tatay ni Carlos Yulo, parinig nga ba sa anak?

Matatandaang kamakailan lang ay nagkasagutan sa comment section ng post ni Caloy si Chloe at Mark Andrew.

"Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo." komento ni Andrew. Hindi naman ito pinalampas ni Chloe at pinatulan pa niya ito ng mas mahabang sagot.

"Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng gabito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year,” buwelta ni Chloe.

KAUGNAY NA BALITA: Buwelta ng tatay: Caloy mag-sorry, tinawag nanay niyang magnanakaw!

Samantala, wala pang pahayag si Caloy at Chloe sa kumakalat na mga screenshots, na parehong bumalik sa Paris para sa 2024 Paralympics.

Kate Garcia