September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Barbie Forteza, nag-react sa hindi niya pagpapahalik kay David Licauco

Barbie Forteza, nag-react sa hindi niya pagpapahalik kay David Licauco
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News, GMA Network (YT)

Nagbigay ng tugon ang Kapuso star na si Barbie Forteza sa mga bumabatikos sa kaniya matapos ang pekeng kissing scene nila ni David Licauco sa “Pulang Araw.”

Sa panayam ni Barbie sa “Updated with Nelson Canlas” nitong Huwebes, Setyembre 5, sinagot niya rin ng isang tanong ang nasabing batikos.

“Maraming nagba-bash. Hindi daw ako magaling na actress kasi hindi raw ako nagpapa-kiss. 'Yon pala 'yong batayan?" ani Barbie.

Gayunman, inamin naman ni Barbie na pinaghandaan pa rin daw niya emotionally ang naturang eksena nila ni David sa “Pulang Araw.”

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“Emotionally, ako, honestly, hindi naman mahirap i-motivate emotionally kasi very obvious 'yong love ni Adelina and ni Hiroshi for each other so lamanan mo lang talaga 'yon ng restraint and 'yong pagiging forbidden, kasi hindi talaga sila pwede,” saad niya.

“'Yong gigil talaga, e. 'Yong 'Bakit? Naging magkaibigan tayo dati, pero bakit hindi natin pwede mahalin 'yong isa't isa?'” wika niya.

Dagdag pa niya: “Alam mo 'yong gano'ng pakiramdam na may mga tao na isa lang 'yong nagmamahal, 'yong isa hindi niya mahal 'yong tao. Pero ang kaso kasi dito, parehas namin mahal 'yong isa't isa pero bakit hindi pwede?”

Matatandaang ibinahagi pa ni Barbie kamakailan ang kaniyang naramdaman sa kissing scene nila ni David sa pamamagitan ng isang X post.

MAKI-BALITA: Netizens, naurat sa pekeng tukaan nina Barbie at David sa 'Pulang Araw'