September 16, 2024

Home SHOWBIZ

'Ang dami kong pinagdaanan:' Karylle, humugot ng lakas kay Amy Perez

'Ang dami kong pinagdaanan:' Karylle, humugot ng lakas kay Amy Perez
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (YT)

Nagbigay ng madamdaming mensahe si Karylle sa kaniyang “It’s Showtime” co-host na si Amy Perez na nagdiwang ng kaarawan nitong Huwebes, Setyembre 5.

Sa isang episode ng “It’s Showtime,” emosyunal na sinabi ni Karylle na kay Amy siya humugot ng lakas sa mga pinagdaanan niya kamakailan.

“Hindi siguro alam ng lahat pero ang dami kong pinagdaanan recently and Tita Amy was completely there for me. And I think sa 'yo talaga ako humugot ng lakas. Napakahirap,” saad ni Karylle.

“I found out my bad news here in Showtime and I knew exactly who to tell kasi hindi ko rin gustong sirain 'yung taping kasi kailangan nating magpasaya ng madlang people,” wika niya.

Tsika at Intriga

Nahaharap sa kasong estafa: Ken Chan, nagbebenta ng properties pambayad-utang?

Dagdag pa niya: “Pero salamat, knowing that you're there for me everyday. Katulad nung pagkanta mo ng 'Jesus, Thank You,' naituro mo kay Seyah 'yong gratitude. Palagi lang tayo nagiging magpagpasalamat sa Panginoon at sa bawat isang nandito sa atin.”

Matatandaang matapos pumanaw ang ama ni Karylle na si Modesto Tatlonghari ay naiulat naman ang tungkol sa pagpapaopera ng ina niyang si Zsa Zsa Padilla na mayroon umanong congenital condition na kung tawagin ay “megaureter.”

MAKI-BALITA: Zsa Zsa, pinalalakas ang loob at pinagdarasal ng mga kapuwa celebrity