September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tatay barado; Caloy, sinumpa ng madir na gagapang sa lupa, buking ni Chloe

Tatay barado; Caloy, sinumpa ng madir na gagapang sa lupa, buking ni Chloe
Photo courtesy: via Balita

Hindi matapos-tapos ang isyu ng umano'y hindi pa naaayos na girian sa pagitan ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at kaniyang pamilya, kasangkot pa ang kaniyang partner na si Chloe San Jose, matapos magbitiw ng umano'y mga komento ang tatay ni Carlos na si Mark Andrew Yulo sa latest Facebook post ng anak.

"Embarking on the journey to meet alike athletes that 'started' their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!" mababasa sa post ni Caloy, na tila promotion na rin ng Toyota Philippines na nagbigay sa kaniya ng libreng sasakyan.

Embarking on the journey to meet alike... - Carlos Edriel Yulo | Facebook

Sa comment section ay napansin naman ng mga netizen ang komento ni Mark Andrew.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo."

Sa comment section nito ay makikitang nag-reply naman si Chloe San Jose.

"Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year... :))"

"sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy."

"kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay. dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sa kanila."

Bahagi pa ng post ni Chloe, ilang beses na raw sinubukan ni Caloy na makipag-usap sa kaniyang pamilya subalit hindi raw nangyari.

Nasabi rin ni Chloe na nakapagpatawad na raw sila at mag-pray na lamang ang bawat isa ng kanilang healing, guidance, at love mula sa Diyos.

Photo courtesy: Carlos Edriel Yulo/Chloe San Jose (FB)

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan din ang parehong mensahe ni Mark Andrew sa anak, na naikomento niya sa isang ulat ng ABS-CBN News. 

MAKI-BALITA: Tatay ni Caloy, bumoses na nga ba? 'Dapat matuto siyang mag-sorry sa kaniyang nanay!'

Usap-usapan din ang shared posts niya patungkol sa relasyon ng isang anak sa isang magulang, na tila parinig daw kay Carlos.

MAKI-BALITA: Shared posts ng tatay ni Carlos Yulo, parinig nga ba sa anak?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng pamilya ni Carlos tungkol sa isyu.