September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kyle Echarri, tinigasan sa drag race artist? 'Feel ko napatigas ko t*ti n'ya!'

Kyle Echarri, tinigasan sa drag race artist? 'Feel ko napatigas ko t*ti n'ya!'
Photo courtesy: Screenshots from Drag Race Philippines Season 3 via Cinema Bravo (IG)

Nakakaloka ang naging pahayag ng isa sa mga contestant ng "Drag Race Philippines Season 3" na si Angel matapos niyang sabihin ang kaniyang experience nang masilayan ang kaguwapuhan at kakisigan ni Kapamilya actor-singer Kyle Echarri, na naimbitahan bilang guest-judge sa nabanggit na timpalak.

Ang Drag Race Philippines ay Pinoy version ng "RuPaul's Drag Race" kung saan sumali at naitampok ang isa sa mga naging contestant ng Season 2 na si Marina Summers.

Walang habas na sinabi ni Angel na feeling daw niya ay tinablan daw si Kyle sa kaniyang alindog dahil binulungan daw siya nitong ang ganda niya, nang ihatid siya nito palabas ng stage.

"Hinatid ako ni Kyle Echarri palabas ng stage. Binulungan niya ako ng 'You're so beautiful.'"

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

"Parang feel ko napatigas ko t*ti niya," kawindang na saad ni Angel.

Facebook

Game na game din kasi si Kyle sa pakikipagkulitan sa mga contestant lalo na sa pagsasabing pinkish ang kulay ng kaniyang nipple, na talaga namang ikinawindang ng contestants. Pati ang host na si Paolo Ballesteros, hindi pinalagpas ang pagkakataong patunayan ni Kyle na pink nga ang kaniyang nips.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kyle tungkol dito.