December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jasmine nagsalita sa pagdawit sa kaniya sa tsikang hiwalay na sina Erwan, Anne

Jasmine nagsalita sa pagdawit sa kaniya sa tsikang hiwalay na sina Erwan, Anne
Photo courtesy: Jasmine Curtis Smith, Erwan Heussaff (IG)

Hindi na raw sana magsasalita ang "Asawa ng Asawa Ko" star na si Jasmine Curtis Smith hinggil sa mga kumakalat na intriga sa kaniyang ateng si Anne Curtis at mister nitong si Erwan Heussaff, subalit minabuti na rin niyang pasimpleng magsalita tungkol dito.

Kumakalat kasi sa ilang social media pages na umano'y hiwalay na raw sina Anne at Erwan matapos matuklasan daw ng una ang pagkakaroon ng third party ng mister.

At ang mas nakakaloka pa rito, dinadamay ang sisteret ni Anne na si Jasmine.

Mukhang okay naman ang magkapatid batay sa bonding nilang magpamilya sa Australia para dumalo sa isang kasal.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Hi everyone and happy weekend. Ayoko na sana i-address to dahil alam ko naman my sister’s and my supporters are wiser, but wag tayo magpadala sa fake news here on FB or TikTok. "

"We are peacefully bonding and enjoying each other’s company in Australia at the moment. love love love!"

Hi everyone and happy weekend. Ayoko na... - Jasmine Curtis-Smith | Facebook

Maging si Erwan, pumatol na rin sa isang netizen na tila iniintriga ang pagtatanggal daw niya ng wedding ring, sa isang paid partnership video na ginawa niya para sa cheese.

"He is no longer wearing the wedding ring," saad nito.

Bagay na hindi naman pinalagpas ni Erwan.

" lol, you shouldnt believe news from random accounts on Facebook," aniya.

Agad namang humingi ng tawad ang nabanggit na netizen.

"sorry po, nasanay lg siguro ako na all vids mo you always wear it."

Dahil dito ay kinuyog tuloy ng mga netizen ang nabanggit na nang-intrigang marites.

MAKI-BALITA: Di raw suot ang wedding ring: Erwan, inintrigang hiwalay na kay Anne

Samantala, si Anne naman ay wala pang sey tungkol sa isyu at fake news na kumakalat tungkol sa kanilang mag-asawa at kapatid.