September 16, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, pinaalalahanan gov't employees: 'Si Guo ay pugante, 'di celebrity!'

Hontiveros, pinaalalahanan gov't employees: 'Si Guo ay pugante, 'di celebrity!'
MULA SA KALIWA. Sen. Risa Hontiveros at Mayor Alice Guo (Facebook)

Nagbigay ng paalala si Senador Risa Hontiveros matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng ilang mga kawani ng pamahalaan na nagpa-picture kasama si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

“PAALALA lalo na sa mga kawani ng gobyerno: Si Alice Guo ay pugante. May kasong human trafficking. Hindi po yan celebrity,” giit ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 5.

Nitong Huwebes nang i-turn over ng Indonesia sa mga awtoridad ng Pilipinas si Guo na naaresto sa naturang bansa nitong Miyerkules, Setyembre 4.

MAKI-BALITA: Alice Guo, na-turn over na sa PH authorities

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Inaasahan daw na babalik sa bansa si Guo nitong Huwebes ng gabi.

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.