September 16, 2024

Home BALITA National

Guo, nagpatulong kay Abalos: 'May death threats po ako'

Guo, nagpatulong kay Abalos: 'May death threats po ako'
Photo courtesy: DILG Sec. Benhur Abalos

Nagpatulong si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos dahil mayroon daw banta sa kaniyang buhay.

Sinabi ito ni Guo gitna ng pag-turn over sa kaniya ng Indonesia sa mga awtoridad ng Pilipinas, sa pangunguna ni Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Francisco Marbil nitong Huwebes, Setyembre 5.

“Sec. patulong, may death threats po kasi,” maririnig na sabi ni Guo sa Facebook live ni Abalos.

Sinabi naman ni Abalos na kumuha na umano sila ng “private plane” para sa kanilang pagbalik sa Pilipinas.

National

DOH: Kumpirmadong kaso ng mpox sa 'Pinas, 18 na

“Kaya nga kumuha na kami ng private plane dito,” saad ni Abalos.

Inaasahan daw na makakabalik sa bansa si Guo nitong Huwebes ng gabi.

Matatandaang nitong Miyerkules, Setyembre 4, nang maaresto si Guo sa Tangerang City, Jakarta, Indonesia.

MAKI-BALITA: Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, arestado na!

Nahaharap si Guo sa contempt order at ilan pang kaso sa Pilipinas bago siya tumakas ng bansa at magtungo sa Malaysia, Singapore, at panghuli nga ay sa Indonesia.