September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Buwelta ng tatay: Caloy mag-sorry, tinawag nanay niyang magnanakaw!

Buwelta ng tatay: Caloy mag-sorry, tinawag nanay niyang magnanakaw!
Photo courtesy: mark Andrew Yulo (FB)/Screenshot from Carlos Yulo (TikTok)/via MB

Usap-usapan ang panibagong komento ni Mark Andrew Yulo, tatay ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, sa latest Facebook post ng anak, na humihikayat kay Caloy na humingi ng tawad sa kaniyang inang si Angelica Yulo matapos sabihan daw na magnanakaw ito.

Matatandaang sa kasagsagan ng pagkapanalo ni Caloy ay nagsagawa ng TikTok Live ang atleta kasama ang partner na si Chloe San Jose, at dito ay ibinuking niya kung ano ang puno't dulo ng alitan nilang mag-ina, na nag-ugat nga sa usaping pera.

Pero saad ni Carlos, napatawad na raw niya ang ina at mag-move forward na lamang silang pare-pareho.

MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: 'Mag-heal kayo!' Carlos Yulo napatawad na ang ina sa kabila ng mga ginawa sa kaniya

Pagkatapos ng TikTok Live ng mag-jowa, kinabukasan ay nagsagawa naman ng media conference ang ina kasama ang legal counsel na si Atty. Raymond Fortun.

MAKI-BALITA: 'Patawad anak!' Angelica Yulo, bukas ang pintuan kay Carlos para pag-usapan mga isyu

Makalipas ang ilang buwan ay tila hindi pa humupa ang isyu dahil si Mark Andrew naman ang tila "nagpapasaring" sa kaniyang anak.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News patungkol kay Carlos, nagkomento si Mark Andrew na sana raw ay humingi ng sorry ang anak sa kaniyang inang si Angelica Yulo matapos daw itong tawaging "magnanakaw" at upang mas maging maganda ang imahen nito.

"Dapat matuto siyang mag-sorry sa kanyang nanay na Mali ang Ang sabihan nya ang kanyang nanay na magnanakaw para gumanda ang kanyang imahen."

MAKI-BALITA: Tatay ni Caloy, bumoses na nga ba? 'Dapat matuto siyang mag-sorry sa kaniyang nanay!'

Kung bibisitahin ang Facebook account ni Mark Andrew, kapansin-pansin ang ilang shared posts niya patungkol sa relasyon ng magulang sa kaniyang anak.

MAKI-BALITA: Shared posts ng tatay ni Carlos Yulo, parinig nga ba sa anak?

Sa latest Facebook post naman ng anak ay muling nagkomento rito si Mark Andrew.

"Embarking on the journey to meet alike athletes that 'started' their impossible. I am excited to share more about my upcoming Paris trip to meet other Team Toyota members at the Paralympic Games!" mababasa sa post ni Caloy, na tila promotion na rin ng Toyota Philippines na nagbigay sa kaniya ng libreng sasakyan.

Sa comment section ay napansin naman ng mga netizen ang komento ni Mark Andrew.

"Masaya ako sa narating mo nak [emojis] Pero dapat mag sorry ka sa nanay mo na sinabihan mong mag nanakaw para luminis yang imahen mo."

Sa comment section nito ay makikitang nag-reply naman si Chloe San Jose.

"Mark Andrew Yulo pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng gabito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year... :))"

"sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy."

"kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay. dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sa kanila."

Bahagi pa ng post ni Chloe, ilang beses na raw sinubukan ni Caloy na makipag-usap sa kaniyang pamilya subalit hindi raw nangyari.

Nasabi rin ni Chloe na nakapagpatawad na raw sila at mag-pray na lamang ang bawat isa ng kanilang healing, guidance, at love mula sa Diyos.

MAKI-BALITA: Tatay barado; Caloy, sinumpa ng madir na gagapang sa lupa, buking ni Chloe

Hindi pa ito natapos dito dahil sinabi ni Mark Andrew na tinatawagan niya ang anak subalit hindi raw nito sinasagot ang telepono. Gusto raw niya kasing matapos na ang isyu para makapag-move on na sila.

"Ako yan tawagan now gusko Mg kaayos at maliwanaga silang lahat."

"Chloe Anjeleigh San Jose tinatawagan ko kayo ni Caloy ayaw Nyo sumagot."

"Chloe Anjeleigh San Jose bakit ayaw Nyo tumawag ngayun wait ko tawag Nyo para malaman na nila na sinabihan ni caloy ang nanay nya na mag nanakaw wait ko tawag Nyo"

"Chloe Anjeleigh San Jose ASan na yung tawag nyo yung mga bintang ninyo sa nanay ni Caloy puro ksinu galingan dapat maayus na to"

Photo courtesy: Mark Andrew Yulo via Carlos Edriel Yulo/Fashion Pulis (FB)

Hindi na nag-reply si Chloe o maging si Caloy sa thread ng usapang ito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng pamilya ni Carlos tungkol sa isyu.