September 13, 2024

Home SPORTS

Akari Head Coach, nakulangan daw sa aksiyon ng PVL management?

Akari Head Coach, nakulangan daw sa aksiyon ng PVL management?
Photo courtesy: PVL website

Nagsalita na si Akari Chargers Head Coach Taka Minowa sa sinapit ng kaniyang koponan sa kasagsagan ng knockout finals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Miyerkules, Setyembre 4, 2024.

Sa kaniyang Instagram story, matapos maihatid ang kauna-unahang silver medal para sa Akari, inilabas ng Japanese coach ang kaniyang saloobin matapos ma-boo ang ilang players niya sa buong arena.

KAUGNAY NA BALITA: Ezra Madrigal wafakels, pinaulanan ng ‘boo!’ sa mismong arena

"I cannot understand what we were shown and what we were made to hear. My players were booed and continuously insulted during the match," saad ni Minoa.

Sen. Pia Cayetano umalma sa bagong polisiya ng UAAP; labag daw sa batas?

Tila nagpahayag din ng pagkadismaya si Minoa matapos niya ring mabanggit na hindi umano umaksiyon ang PVL management habang ginigisa sa loob ng arena ang kaniyang koponan.

"I am deeply saddened by the current situation where no one involved in the league has mentioned this issue. It's unacceptable," dagdag ni Minoa.

Samantala, nagpahayag din ng saloobin si Akari Chargers team captain Michelle Cobb at sinabing hindi raw katanggap-tanggap ang personal na pag-atake sa kaniyang teammates.

“Sumosobra na po kayo, tama na po. Hindi po kami ang gumawa ng rules ng volleyball. Manlalaro lang po kaming lahat,” ani Cobb sa isang panayam sa media.

Kate Garcia