September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sinetch itey? Darryl Yap, nagparinig sa artistang nagpalaglag sa Singapore

Sinetch itey? Darryl Yap, nagparinig sa artistang nagpalaglag sa Singapore
Photo courtesy: Darryl Yap (FB)/Freepik

Usap-usapan ng mga marites sa showbiz ang Facebook post ng direktor na si Darryl Yap patungkol sa isang artistang nagpalaglag o nagpa-abort umano sa Singapore.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 2, "kapag artista ka tapos nagpalaglag ka sa Singapore bawal magpakacool."

Hindi naman nagbigay ng clue si Yap kung sinong artista ang tinutukoy niya, subalit nagrambulan ang mga netizen sa kaniyang comment section at inalam nila kung sinong artista ang tinutukoy ng direktor.

Photo courtesy: Screenshot from Darryl Yap (FB)

Tanong ng isang netizen, "Ayyy dito muna ako tatambay.. yung apelyido po ba ay apelyido ng dating presidente? ??"

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tugon naman ni Yap, "yes, ni Fidel."

Sinetch itey nga kaya, kaloka!