September 20, 2024

Home SPORTS

'Pusong PLDT': Pasaring ng PLDT, idinaan sa warm-up shirt?

'Pusong PLDT': Pasaring ng PLDT, idinaan sa warm-up shirt?

Matapos ibasura ng Premier Volleyball League (PVL) ang inihaing petisyon ng PLDT High Speed Hitters dahil sa umano’y hindi patas na rulings nito noong semi-finals, balik-aksyon na ulit ang koponan para sa battle of thirds kontra Cignal HD Spikers.

Ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 4, 2024 muling nasaksihan sa national TV ang koponan matapos ang kontrobersiya sa huli nilang laban kontra Akari. Tila sa kanilang warm-up shirt na nga rin idinaan ng koponan ang huli nilang pahayag sa pagtatapos ng liga ngayong araw.

Mula sa dug-out, suot ng mga manlalaro ng PLDT ang warm-up shirt na may nakalagay na ‘Pusong PLDT,’ na tila makahulugan daw, ayon sa fans at netizens.

Samantala, mula nang hindi ikonsidera ang kanilang petisyon, wala pa ulit pahayag na inilalabas ang pamunuan ng koponan hinggil dito.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kate Garcia