October 05, 2024

Home SPORTS

‘Kambal’ ni Carlos Yulo, magpapasiklab sa UAAP basketball, maka-gold din kaya?

‘Kambal’ ni Carlos Yulo, magpapasiklab sa UAAP basketball, maka-gold din kaya?
Photo courtesy: Janjan Felicilda (IG) / screenshot from Olympics YouTube page

Kinagigiliwan ngayon ng basketball fans ang ka-look alike ni two-time Olympic gold Carlos Yulo na siya na ring sasabak sa hardcourt sa pagbubukas ng season 87 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Aminado naman si University of the Philippines Fight Maroon guard Janjan Felicilda na kamukha niya umano si Caloy.

Sa isang panayam sa kaniya ng media, tatawa-tawa niyang sinagot ang tanong tungkol sa kaniya at kay Caloy.

“Sabi nila kamukha ko si Carlos Yulo,” ani ni Janjan nang tanungin kung anong sports ang kaniyang sasalihan bukod sa basketball.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Katulad ni ‘Golden Boy’ Carlos Yulo, nakahanda na rin si Janjan na makasungkit ng gintong medalya para sa Fighting Maroons matapos silang kapusin noong finals sa season 86 kontra De La Salle University Green Archers.

Nakatakdang harapin ng Fighting Maroons ang Ateneo De Manila University Blue Eagles sa Battle of Katipunan match-up bilang opening game ng UAAP season 87 sa Setyembre 7, 2024.

Kate Garcia