November 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kalokalike ni Stell sinisisi; dating hitsura, naungkat tuloy

Kalokalike ni Stell sinisisi; dating hitsura, naungkat tuloy
Photo courtesy: Jeon Cyrus (FB)/Stell Ajero (FB)

Pumalag ang Kalokalike contestant ng "It's Showtime" na si Jeon Cyrus sa batikos na natatanggap niya mula sa ilang A'TIN members, o fans ng all-male Pinoy Pop group na SB19, dahil muli raw inungkat ng bashers ang dating hitsura ng miyembro nitong si Stell Ajero, noong hindi pa sumasailalim sa enhancement.

Marami kasi ang umokray sa panlabas na anyo ni Jeon, na ayon sa bashers, ay malayo na raw sa hitsura ni Stell ngayon. Sey ng ilang bashers, ginaya pa rin naman daw ni Jeon si Stell, kung ang pagbabatayan daw ay ang dati nitong looks.

Paliwanag naman ni Jeon, wala siyang masamang intensyon sa pagsali sa Kalokalike; sa katunayan, hinimok daw siya ng ABS-CBN staff na sumali rito upang ipamalas ang kaniyang talento.

"My It’s Showtime ABS-CBN Experience! "

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

"First of all, I want to say how grateful I am for the kind messages from everyone. This will be my last post and the last time I check notifications on all my social media accounts for a while. I’m quite sensitive to hurtful words, but I prepared myself for the possibility of negative comments before accepting the offer to be seen on national TV."

Ayon kay Jeon, tanggap niya kung maraming umokray sa kaniyang panlabas na anyo, dahil aware na siya rito bago pa niya pasukin ang pagsali sa Kalokalike, pero ang hindi niya matanggap ay ang lumalabas na mga kuwentong mas dumami raw ang bashing na matatanggap ni Stell dahil sa kaniyang ginawa.

"I’m not upset by those who laughed at my appearance. Of course, our main goal at Showtime was to bring laughter and good vibes to everyone. What really broke my heart, though, is seeing people create stories that somehow, because of me, Kuya Stell might face more bashing, especially with his recent issues about 'fame shame/visual' still being fresh."

"It’s painful to read comments blaming me, saying that Kuya Stell will receive more hurtful remarks because of my appearance and nakakahiya daw sa fandom, with some even suggesting I shouldn’t have participated."

"FYI, ABS-CBN reached out to me. I didn’t want to miss an opportunity to showcase my talents and share my love for performing with everyone."

"I did my very best to give everyone a great show through my talent. But please, stop accusing me of fueling the fire that might bring more negativity towards Kuya Stell."

"I hope I made my fellow A’TIN proud by performing an SB19 song, and I’m incredibly grateful to my group TITANS for showing me love and support. Thank you, everyone!" aniya pa.

MAKI-BALITA: Kalokalike ni SB19 Stell nakatanggap ng katakot-takot na okray, pumalag

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Stell kaugnay sa isyu.