September 19, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, nagbabala sa tumulong kay Guo na makatakas: 'Di namin kayo tatantanan'

Hontiveros, nagbabala sa tumulong kay Guo na makatakas: 'Di namin kayo tatantanan'
photos courtesy: Sen. Risa Hontiveros/FB, PAOCC photo

Tila nagbigay-babala si Senador Risa Hontiveros sa mga umano'y tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makatakas noong Hulyo.

Nauna nang sinabi ni Hontiveros na inaasahan niya ang pagharap ni Guo sa Senado sa lalong madaling panahon.

BASAHIN: Hontiveros, inaasahan pagharap ni Alice Guo sa Senado 'sa lalong madaling panahon'

Sa parehong pahayag, tila binalaan niya ang mga taong tumulong sa pagtakas ng dating alkalde.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

"At kung sinoman ang tumulong sa kaniyang pagtakas, 'di namin kayo tatantanan."

Matatandaang si Hontiveros din ang nagsiwalat noong Agosto 19, na nakaalis na ng Pilipinas si Guo noon pang Hulyo 18, 2024, at nagtungo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

BASAHIN: 'Sinong may kagagawan nito?' Alice Guo, nakaalis na ng 'Pinas -- Hontiveros

Matatandaan ding nauna nang nahuli ang dalawang kasama ni Guo na sina Shiela Guo at Cassandra Lee Ong noong Agosto 21. 

BASAHIN: Dalawang kasama ni Alice Guo, hawak na ng Indonesian immigration office

Nakabalik naman sila ng Pilipinas noong hapon ng Agosto 22.

BASAHIN: Mga kasama ni Alice Guo na nahuli sa Indonesia, nakabalik na sa 'Pinas!