September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Di raw suot ang wedding ring: Erwan, inintrigang hiwalay na kay Anne

Di raw suot ang wedding ring: Erwan, inintrigang hiwalay na kay Anne

Hindi pinalampas ng chef at social media personality na si Erwan Heussaff ang isang mapang-intrigang netizen na nakapansing tila hindi raw niya suot ang wedding ring ng misis niyang si "It's Showtime" host Anne Curtis, na nagpapatibay raw sa mga kumakalat na tsismis na kesyo hiwalay na silang dalawa.

Pinakakalat kasi ng ilang pages sa Facebook na umano'y on the rocks ang relasyon ng dalawa dahil nahuli raw ni Anne si Erwan na may third party.

Ilan pa sa mga kumakalat na bersyon ay mas nakakaloka dahil idinadawit pa rito ang mismong kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis Smith.

Sa Instagram post ni Erwan noong Setyembre para sa paid partnership ng isang cheese product, napansin ng isang netizen na wala sa daliri ni Erwan ang wedding ring nila ni Anne.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

"He is no longer wearing the wedding ring," saad nito.

Bagay na hindi naman pinalagpas ni Erwan.

" lol, you shouldnt believe news from random accounts on Facebook," aniya.

Agad namang humingi ng tawad ang nabanggit na netizen.

"sorry po, nasanay lg siguro ako na all vids mo you always wear it."

Dahil dito ay kinuyog tuloy ng mga netizen ang nabanggit na nang-intrigang marites.

"Huwag naman po masyadong pahalata na isa ka ding marites diyan sa pinas"

"Natural aalisin niya kasi nagluluto siya, 'di ba? Common sense naman."

"Nilamon na ng fake news ang utak mo bhie."

"Nagluluto siya, siyempre dapat tanggalin lahat ng alahas, anubey?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag mismong si Anne Curtis tungkol dito, na binatbat din ng mga tanong nang mapansin naman ng mga netizen na tila hindi raw kasama ang mister sa photos nila ng pamilya nang dumalo sila sa isang kasal sa Australia.