September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bukod sa YuLongganisa: Angelica, online seller na rin ng skincare products, shirts

Bukod sa YuLongganisa: Angelica, online seller na rin ng skincare products, shirts

Nasa "online seller era" na ang ina ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica Yulo matapos magbenta ng ₱250 worth na skincare products at ₱500 na t-shirt bawat piraso, sa tulong ng kaniyang anak na si Karl Eldrew Yulo, nitong Martes, Setyembre 3.

Marami ngang nag-abang sa pa-live selling ni Mommy Yulo na naging matagumpay naman dahil marami rin namag bumili. Bilib ang mga netizen sa pagiging madiskarteng ina ni Angelica, na hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa netizens kung "naambunan" na ba ng balato ni Caloy mula sa rewards at cash incentives na natanggap niya mula sa double Olympic gold medals na kaniyang dinala sa Pilipinas.

Ang pagiging madiskarte raw ni Angelica ay pagpapakitang hindi nila kailangang umasa sa pagiging multi-millionaire na ngayon ng anak na si Caloy.

Matatandaang kamakailan lamang ay bumenta rin ang longganisang paninda niya na pumalo ng ₱82k.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

MAKI-BALITA: Kumita ng higit ₱82k: Longganisa ni Angelica, mabenta!

Bukod sa mga treat ng ilang negosyo, kinuha na ring endorser ng isang dental clinic si Angelica.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo, ngiting wagas dahil endorser na ng dental clinic!