September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman

'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman
Photo Courtesy: Screenshots from Iya Villania (IG)

Inanunsiyo ng "Chika Minute" showbiz news presenter na si Iya Villania-Arellano ang pagbubuntis niya sa ikalima nilang baby ng asawa niyang si Drew Arellano.

Sa latest Instagram post ni Iya nitong Miyerkules, Setyembre 4, matutunghayan ang video kung saan makikita ang kaniyang ultrasound result.

Sa kasalukuyan, apat na ang anak nilang mag-asawa. Sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan nina Drew at Iya sa showbiz industry. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Ryan Agoncillo: "Waaaaahhhh"

Jessy Mendiola: "OMG! Congrats!!!"

Bianca Gonzalez: "Iba!!!! Basketball team na!!!! Congratulations Team A!!!"

Jericho Rosales: "Oh em gee!!! Hahahahaha congratulations guys!!!"

Nikki Gil: "OMG congrats guys!!!"

Chariz Solomon: "KALOKAAAA HAHAHAHA CONGRATS ARELLANOS!!!! "

Matatandaang last year lang ay sinagot ni Iya ang tanong ng isang netizen kung buntis daw ba ulit siya matapos mapagkamalang nagdadalang-tao habang sumasayaw sa isa niyang TikTok video.

MAKI-BALITA: 'May biyahe pa si Drew!' Iya Villania, sinagot kung buntis ba siya ulit