Nakataas pa rin sa Signal No. 2 at 1 ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa Tropical Storm Enteng na huling namataan sa coastal waters ng Paoay, Ilocos Norte, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng umaga nitong Martes, Setyembre 3.
Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, taglay ng bagyong Enteng ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Ilocos Norte
Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Bantay, Santa, Caoayan)
Apayao
Abra
Kalinga
Western portion ng Mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Pamplona, Alcala, Amulung, Buguey, Solana, Rizal, Claveria, Iguig, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes) kabilang na ang Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., and Fuga Is.)
Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
Northern portion ng La Union (Luna, Santol, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan)
Mountain Province
Ifugao
Northern portion ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay)
Batanes
Mga natitirang bahagi ng Mainland Cagayan
Mga natitirang bahagi ng Babuyan Islands
Isabela
Northern portion ng Nueva Vizcaya (Bayombong, Ambaguio, Bagabag, Villaverde, Diadi, Quezon, Solano)
Northern portion ng Quirino (Aglipay, Saguday, Diffun, Cabarroguis)
Ayon sa PAGASA, inaasahang patuloy na kikilos ang bagyong Enteng pakanluran hilagang-kanluran sa susunod na 24 oras, saka ito kikilos pakanluran sa West Philippine Sea (WPS) simula bukas ng Miyerkules, Setyembre 4, hanggang sa marating nito ang Hainan, China sa Sabado, Setyembre 8.
Samantala, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category ngayong Martes ng tanghali o gabi, at sa “typhoon” category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5.
Posible raw na lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng umaga.