September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Shiminet ng seven lions!' Saab nagpa-derma, pagod na sa government hearings

'Shiminet ng seven lions!' Saab nagpa-derma, pagod na sa government hearings
Photo courtesy: Saab Magalona (IG)

Makahulugan ang Instagram post ni Saab Magalona matapos niyang ibahagi ang video clip ng pagpapa-facial treatment niya sa Belo Clinic.

Batay sa caption, mukhang "patama" ni Saab ito sa nag-trending na salitang "shimenet" sa kontrobersyal na budget hearing ni Vice President Sara Duterte sa Kamara para sa Office of the Vice President (OVP).

"Shiminet ng seven lions, shiminet ng seven lions," caption niya sa post.

"Love you @belobeauty - at least hindi ako mukhang stressed masyado..."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa video clip naman, makikita ang pagpapa-facial niya na may caption na "Pag di ka na makasunod sa mga ganap sa government hearings."

Mababasa naman sa suot niyang statement shirt ang "PAGOD NA AKO. PERIODT" mula sa Linya-Linya.

Si Saab ay kilalang expressive at vocal sa kaniyang mga pananaw patungkol sa politika, lalo na sa administrasyon noon ni Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Bukod kay Saab, ilan pang celebrities na pinagkatuwaan ang "shimenet" ay sina Rhian Ramos, Bela Padilla, at Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Bela Padilla pinagkatuwaan ang 'shimenet'

MAKI-BALITA: Naghahanap daw ng gulo? Rhian Ramos, nilaro 'shimenet' ni VP Sara Duterte