October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Pinagkatago-tagong nakaraan ni Boobsie, naispluk ni Willie Revillame

Pinagkatago-tagong nakaraan ni Boobsie, naispluk ni Willie Revillame
screenshot: Wil To Win/FB

Nagulat si Boobsie Wonderland nang malaman ni Wil To Win host Willie Revillame ang kaniyang pinagkatagu-tagong nakaraan. 

Sa episode ng Wil To Win nitong Lunes, Setyembre 2, bigla na lamang itinanong ni Willie kay Boobsie kung kilala nito si "Mystica Suarez."

"Kasi, napag-alaman ko po na 'yung Mystica Suarez na yon, dati siyang sexy star. Wala siya sa Facebook, wala siya sa YouTube. Siguro hiyang-hiya talaga siya," saad ni Willie.

"Kasi si Mystica Suarez po, may nagbigay sa akin ng tip, 'Kilala mo ba kung sino ang nakakasama mo sa show? Willie, alamin mo muna kung sino ang mga yan.' 'Bakit?' 'Si Mystica Suarez, sexy star yan, bold star yan, si Boobsie 'yan!’" sey pa ng Wil To Win host. 

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Kuya, sinong nagkuwento sa yo niyan? Ano ba naman yan!” natatawang sabi ni Boobsie.

Tanong ni Willie, “Totoo ba yan? Sexy star ka dati?”

Dahil dito, ikinuwento na ni Boobsie ang tungkol sa kaniyang nakaraan.

"No'ng araw po kasi, Japayuki ako...," paunang sabi ni Boobsie.

"Showgirl ako noong araw... Fourteen years old pa lang ako, nagja-Japan na ako. No'ng araw kasi cultural dancer na ako. Ang totoo po niyan, starlet po ako noong araw. Kasama ko po sina Camille Roxas, Aya Medel, Ursula Vasquez... Ako po yung lumalaban sa mga exhibition show. Tuma-tambling po ako sa ere, umisplit," kwento ng komedyante.

“Kung nakilala lang sana kita [Willie] noon, eh 'di maayos na sana ang buhay ko ngayon,” kwelang sabi ni Boobsie kay Willie.

"Pero Mystica Suarez ba talaga ang pangalan mo?" usisa ni Willie.

"Opo hindi ko nga alam na may Mystica no'ng araw eh. Parang inano ko lang, dati po akong si JLo [Jennifer Lopez]. Pero ang totoo ko pong pangalan, Mary Jane po," sey ni Boobsie.

Biro pa ni Willie, pwede raw ngayon sa Vivamax si Boobsie. 

Dagdag pa niya, “nagulat ako, hindi ko alam na sexy dancer pala siya dati."

“Starlet po, not sexy dancer,” paglilinaw ni Boobsie.

"Ano ba 'yung starlet?" tanong ni Willie.

Ani Boobsie, “Ako po 'yung reyna... Ako 'yung inaabangan ng manonood... At saka iba po 'yung starlet no'ng araw. Inilalaban sa iba-ibang lugar. Bulacan po ako eh so inilaban ako sa Quezon City. Napagkamalan pa nga akong wardrobe eh nina Ursula Vasquez at Camille Roxas. Sabi nila, ‘Te, kuha mo nga ako ng tissue'."

Sey pa niya, mukha raw siyang Hapones noon. 

"Pero no'ng naghirap ako, heto na 'yung mukha ko," natawang sabi niya. 

Napag-alaman din daw ni Willie na star sa club si Boobsie noon.

Tuloy-tuloy naman ang pagkukwento ni Boobsie tungkol sa kaniyang "pinagkatago-tagong" nakaraan.

Aniya, "alam mo ba, Kuya, noong nag-Dubai ako noong araw, may lumapit sa akin na babae, shala. Sabi niya, ‘Ikaw ba si Mystica Suarez kasi kamukhang-kamukha  mo yung best friend ko.’

“Boobsie na ako nito ha. Nagbe-baby baby na ako no'n. Sabi ko, 'Sino ‘yon?’ Syempre 'yung mga nakaraan natin, kahit anong tago natin, lalabas at lalabas yon kasi kilala talaga tayo no'ng mga taong nakakakilala sa atin.

"Kaya nagulat talaga ako, Kuya, pati ba mga ganoong bagay, nalalaman mo pa? Pinakatago-tago ko na nga."

"Sabihin mo po sa lolo mo baka pwede naman naming pag-usapan 'yung mga bagay-bagay," pagbibiro pa ni Boobsie.

Sa huli, ipinagmalaki ni Willie si Boobsie dahil sa sipag nitong magtrabaho. Kwento niya, after ng Wil To Win, magpe-perform pa raw sa Klownz si Boobsie at sa iba pa nitong raket kung kaya't madaling araw na raw ito nakakauwi. 

Ang pagkakayod ni Boobsie raw ay para sa kaniyang pamilya.